NAGSANIB-pwersa sina K-Pop Star Sandara Park at Apl.De.Ap para sa bagong single na may pamagat na “2 Proud!”
Inilabas ng Black Eyed Peas member ang music video ng kanilang collab song na sinimulan sa pamamagitan ng mello rap verse ni Apl.
Tampok sa music video ang ‘’50s vibe aesthetic” na may easy feel and delicate pallete na nag-complement sa rap verse ni Apl.De.Ap at vocals ni Sandara.
Sa press release, sinabi ni Apl na ginawa nila ni Sandara ang kanta noong pandemic.