Balik-Pilipinas si Justin Brownlee, isang linggo bago magsimula ang Gilas Pilipinas sa kanilang kampanya sa FIBA Asia Cup qualifiers.
Ibinahagi ni San Miguel Corporation Sports Director Alfrancis Chua sa Instagram ang litrato nang bumisita ang naturalized Filipino sa SMC headquarters sa Ortigas, Pasig City.
Una nang inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na may go signal na ng FIBA ang paglalaro ni Brownlee kasunod ng anti-doping rule violation na nangyari noong 19th Asian Games.
Pinatawan ang barangay Ginebra resident import ng “notice of charge” na may proposed 3-month period of ineligibility, na boluntaryong pinagsilbihan ni Brownlee simula Nov. 9, 2023 hanggang Feb. 8, 2024.