Muling magsasama ang former couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa bagong pelikula na may pamagat na “Un/Happy for You” na ipalalabas ngayong taon.
Sinabi ni Joshua na nag-grow na sila as individuals, at nag-mature na, kaya agad siyang nag-yes nang malaman niya ang tungkol sa project kasama ang ex-girlfriend.
Naniniwala naman si Julia na ang “Un/Happy for You” ang tamang material para sa kanila ng dating boyfriend, at dumating din ito sa tamang panahon.
Unang nagkasama sa trabaho sina Joshua at Julia sa pelikulang “Vince and Kath and James” noong 2016; “Love You to the Stars and Back” noong 2017; “I Love You, Hater” noong 2018; at “Block Z” noong 2020.