14 June 2025
Calbayog City
National

Joint Maritime Activity, hindi dapat magpataas ng tensyon sa West Philippine Sea

211121-N-TD381-1549 PHILIPPINE SEA (Nov. 21, 2021) Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF) Asagiri-class destroyer JS Yamagiri (DD 152), left, JMSDF Asahi-class destroyer JS Asahi (DD 119), and JMSDF Akizuki-class destroyer JS Teruzuki (DD 116) sail in formation during Annual Exercise (ANNUALEX), Nov. 21. ANNUALEX 2021 is a multilateral exercise conducted by elements of the Royal Australian, Royal Canadian, German, JMSDF and U.S. navies to demonstrate naval inoperability and a joint commitment to a free, open and inclusive Indo-Pacific.(U.S. Navy photo by Mass Communication Specialist Seaman Apprentice Isaiah B. Goessl)

TINAWAG ng Department of National Defense (DND) bilang “Show of Unity” ang Joint Maritime Activity sa pagitan ng Pilipinas, Australia, Japan, at United States, sa halip na tawagin itong pagpapakita ng puwersa laban sa China.

Sinabi ni DND Spokesperson Arsenio Andolong na ang Maritime Cooperative Activity (MCA) ng military units ng apat na bansa ay ginagawa rin naman ng ibang mga bansa sa buong mundo.

Binigyang diin ni Andolong na ang mahalaga ay ginagawa ang aktibidad sa ngalan ng national interest ng Pilipinas, at upang palakasin ang kapabilidad ng bansa at interoperability sa ibang partner countries.

Una nang inihayag ng Defense Department na ang MCA na sinimulan, kahapon, ay hindi dapat maging dahilan para umigting ang tensyon laban sa China, dahil ginagawa naman ito sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas, at alinsunod sa international law. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *