MULING binuhat ni Joel Embiid ang Philadelphia 76ers sa pamamagitan ng kanyang 70 points para pabagsakin ang San Antonio Spurs sa score na 133-123.
Nakapagtala rin ang Cameroonian basketball player ng 18 rebounds at five assists sa kanilang game, kahapon.
Si Embiid ang ika-siyam na manlalaro sa kasaysayan nba na umiskor ng pitumpung puntos pataas sa isang laro lamang.
Samantala, gumawa naman ng impresibong 33 points ang rookie na si Victor Wembanyama para sa Spurs.