IDINEKLARA ng Malakanyang bilang special non-working day ang January 25, 2024, sa Munisipalidad ng Carigara, sa Leyte.
Ang deklarasyon ay batay sa bisa ng Proclamation No. 454 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kaugnay ito sa pagdiriwang ng Carigara ng kanilang 453rd Founding Anniversary.
Bunsod nito, hinikayat ang mga taga-Carigara na makiisa sa mga aktibidad na mayroong kinalaman sa naturang okasyon.