28 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Janno Gibbs nag-demand ng public apology mula sa mga nagpakalat ng video ng namapayapang ama na si Ronaldo Valdez

NAG-demand si Janno Gibbs at kanyang pamilya na mag-public apology ang mga pulis na sangkot sa kumalat na video ng kanyang ama na si Ronaldo Valdez.

Sa press conference, sinabi ng abogado ng mga Gibbs na si Atty. Lorna Kapunan, na ang mga nag-iimbestigang pulis, pati na ang kanilang superiors ang direktang responsable sa pagkalat ng maselang video.

Inihayag ni Janno na nagsimulang kumalat ang video sa kaparehong araw na namatay ang kanyang ama.

Ayon sa singer, isang pulis mula sa kalapit na istasyon ang unang dumating sa kanilang bahay at kumuha ng video. 

Nilinaw ni Janno na bagaman na-trauma sila sa nangyari, hindi sila magsasampa ng legal action, dahil ang nais lamang aniya nila ay sinserong paghingi ng tawad mula sa lahat ng sumira sa reputasyon ng kanyang ama at kanilang pamilya.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *