Nasa 70 percent na ang completion rate ng itinatayong Navotas Convention Center.
Ayon sa update ng Department of Public Works and Highways (DPWH) National Capital Region (NCR), ang 5-story building ay mayroong 4,000 seating capacity.
Ang convention center ay itinatayo sa Barangay Bagumbayan South, Navotas City.
Bahagi ng proyekto ang pagkakaroon ng standard size basketball court, air-conditioned function rooms, cafeteria, at parking facilities.
Inaasahang magagamit ito sa iba’t ibang community activities, at services, at makatutulong sa local economy sa lungsod.