Umapela ang Israel sa mga sibilyan na lisanin ang bahagi ng Rafah sa harap ng ikinakasang pagsalakay sa kuta ng grupong hamas sa Southern Gaza Strip kung saan nanunuluyan ang mahigit isang milyong Palestino.
Sinabi ng Israeli military na sinimulan nilang himukin ang mga residente sa Rafah na lumikas para sa “limited scope” ng operasyon.
Hindi naman nagbigay ang Israel ng rason, at wala ring inihayag na anumang opensiba na maari nilang isunod.
Pitong buwan matapos sumiklab ang giyera laban sa hamas, nagbabala ang Israel na sasalakayin ang Rafah na pinaniniwalaang pinagkakanlungan ng libo-libong hamas fighters, pati na kanilang mga bihag.