28 April 2025
Calbayog City
Metro

Isang van at isang bus, sumalpok sa mga concrete barriers sa EDSA

isang van

Isang van at isang bus ang sumalpok sa mga concrete barrier sa EDSA.

Ayon sa driver ng van, sumabit ang gulong niya pagbaba sa southbound lane ng Ortigas flyover.

Nawalan umano siya ng kontrol sa manibela kaya sumalpok ang minamaneho niyang sasakyan sa mga concrete barrier.

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pitong concrete barriers ang inararo ng van dahilan kaya nayupi ang harapan ng sasakyan.

Samantala, bumangga naman ang paparating na bus na nasa EDSA busway sa concrete barrier na unang nabangga ng van.

Wala namang naiulat na nasaktan sa mga sakay ng van at bus.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *