NANGAKO ang Iranian at Pakistani leaders na paiigtingin pa nila ang kanilang economic at security operation sa pulong, sa harap ng pagsisikap na plantsahin ang kanilang diplomatic rift.
Ang pulong nina President Ebrahim Raisi ng Iran at Prime Minister Shahbaz Sharifin ay bahagi ng hakbang ng Tehran at Islamabad na ayusin ang kanilang samahan na nagkaroon ng bahagyang lamat noong Enero, matapos atakihin ang isa’t isa para targetin ang mga militante.
Nag-deploy naman ang mga otoridad ng daan-daang karagdagang Police at Paramilitary Forces upang matiyak ang seguridad sa naturang pagbisita.