Ibinasura ng International Olympic Committee (IOC) ang kahilingan ni Manny Pacquiao na maglaro sa 2024 Paris Olympics, dahil lagpas na sa age limit ang pinoy boxer.
Ginawa ng Philippine Olympic Committee (POC) ang anunsyo matapos matanggap ang formal letter mula sa IOC na nagbabawal sa Eight-Division World Champion mula sa Summer Games.
Nabatid na si Pacquiao ay 45 years old na, mas mataas ng limang taon mula sa age limit na 40.