BUMILIS sa ikatlong sunod na buwan ang inflation o ang paggalaw sa presyo ng mga bilihin at serbisyo noong Abril.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa 3.8 percent ang inflation noong ika-apat na buwan, kumpara sa 3.3 percent noong April 2023.
Iniugnay ng PSA ang uptrend sa tumaas na presyo ng food and non-alcoholic beverages na nag-ambag ng 2.3 percentage points sa headline inflation, na tumaas ng 6 percent kumpara noong nakaraang taon.
Lumobo ang transport prices ng 2.6 percent para sa 0.2 percentage points habang information and communications prices ay tumaas ng 0.5 percent na bahagyang mas mataas sa 0.4 percent na naitala noong Marso.