18 May 2025
Calbayog City
National

Indonesia at Pilipinas, lumagda ng kasunduan para sa energy security

energy security marcos indonesia joko widodo

Naselyuhan na ng Pilipinas at Indonesia ang Memorandum of Understanding (MoU) para sa energy security ng dalawang bansa.

Layunin ng kasunduan na mapalakas ang energy cooperation ng dalawang bansa.

Sinaksihan nina pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Indonesian president Joko Widodo sa President’s Hall sa palasyo ng Malakanyang ang paglagda sa kasunduan.

Ayon kay pangulong Marcos, ang nilagdaang MoU ay bunga ng matagumpay na pag-uusap ng Pilipinas at Indonesia sa pamamagitan ng Department of Energy (DOE) at Ministry of Energy and Mineral Resources ng Indonesia. 

Sinabi naman ni DOE Secretary Raphael Lotilla na ang nilagdaang MoU ay magbibigay ng update at reinforcement sa long-term energy cooperation ng dalawang bansa.

Sa ilalim ng MoU, pangangasiwaan ang kooperasyon sa pagitan ng mga business sectors lalo na sa panahon na may critical supply constraints sa enerhiya gaya sa coal at liquefied natural gas (LNG).

Nakasaad din sa MoU ang potential benefits sa ekonomiya, environmental at geopolitical dimensions sa pamamagitan ng kolaborasyon sa energy transition, renewable energy, demand-side management, electric vehicles at alternative fuels gaya ng hydrogen, ammonia, at biofuels.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *