22 April 2025
Calbayog City
Local

IMP Shipyard and Port Services Inc., pinasinayaan

MATAPOS ang tatlong taon na konstruksiyon, pormal nang pinasinayaan ang pagawaan ng barko sa munisipalidad ng Albuera, Leyte.

Maliban sa trabaho na ipagkakaloob ng Integrated Maritime Philippine Shipyard and Port Services ay magpapasigla din ito sa komersiyo sa bayan ng Albuera.

Gamit ang  makabagong teknolohiya sa ship building, ito ang Integrated Maritime Philippines o IMP Shipyard and Port Services, Incorporated.

Ayon sa President and CEO ng IMP na si Captain Jess Morales, 2021 nang pasimulan nila ng kanyang busines partner na si Engineer Joseph Frederick Pepito ang konstruksiyon ng pagawaan ng barko.

Maliban sa pagawaan ng barko, sinabi ni Morales na plano rin ng IMP na magpatayo ng fish port na nakatutulong para sa pangiabuhayan ng mamamayan.

Mantra ni Morales na maisakatuparan ang vision ng IMP ang “Safe, Efficient, and Environment-Friendly ship building and ship repair facility that creates wealth and generates employment for socioeconomic progress and national security”

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Leyte Governor Carlos Jericho Petilla kay Captain Morales dahil sa pagpursige nito na ilagay sa Albuera, Leyte ang kanyang negosyo.

Present din sa blessing at inagurasyon ng IMP Shipyard and Port Services, Incorporated ang opisyales ng Albuera LGU, Maritime Industry Authority, at iba pang stakeholders.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *