NAKABALIK na sa simbahan ng Quiapo sa Maynila ang Imahen ng Itim na Nazareno matapos ang prusisyon na dinaluhan ng tinatayang anim punto limang milyong deboto, na isa sa pinakamalaking bulto sa kasaysayan ng taunang kapistahan.
Umalis ang Imahen sakay ng Andas na may tempered glass sa Quirino Grandstand, alas kwatro kwarenta y singko ng madaling araw kahapon at dumating sa Quiapo Church, ala syete kwarenta y singko kagabi.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) Public Information Office, ala una ng hapon, kahapon, ay umabot na sa 2.807 million ang bilang ng mga deboto sa traslacion.
Sa update, sinabi naman ng Quiapo Church na 6,532,501 katao ang naitala sa prusisyon sa pagitan ng ala singko ng umaga hanggang ala sais ng gabi.