Ilang lokal na pamahalaan mula sa apat na rehiyon ang nagsuspinde ng in-person classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan bunsod ng matinding init ng panahon.
Ayon sa Department of Education (DepEd), ang mga eskwelahan na nagsuspinde ng face-to-face classes ay lumipat sa alternative modes of learning.
Ang mga rehiyon na nagpatupad ng suspensyon ng on-site classes ay ang Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, at Ilocos Region.
Inihayag ni DepEd Undersecretary Michael Poa na kapag nakita ng school heads na nakaaapekto na ang matinding init sa pag-aaral ng mga bata ay maari silang magsuspindi ng on-site classes at otomatik na lumipat sa alternative delivery modes, gaya ng modular learning, online classes, at assignment of performance tasks.