18 May 2025
Calbayog City
National

ICC, maaring mag-isyu ng warrant of arrest laban sa mga opisyal ng pamahalaan; pero pagpapatupad nito, ibang usapan, ayon sa SolGen

icc

Walang pumipigil sa International Criminal Court (ICC) na mag-isyu ng warrant of arrest laban sa mga opisyal ng pamahalaan.

Ito, ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, kasabay ng paglilinaw na ibang usapin ang pagpapatupad ng arrest warrant sa teritoryo ng Pilipinas.

Paliwanag ni Guevarra, ang paglalabas ng warrant ay base sa assessment ng ICC pre-trial chamber sa pag-iral ng reasonable ground na nakagawa ng krimen ang isang indibidwal.

Sinabi ng SolGen na ang ICC prosecutor ay dapat imbestigahan ang mga ebidensya  na maaring magsangkot at magpawalang sala sa akusado.

Ginawa ni guevarra ang pahayag matapos tanungin kung maaring isyuhan ng ICC ng warrant of arrest si Vice President Sara Duterte at iba pang Philippine officials, kaugnay ng war on drugs ng nakalipas na administrasyon.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *