20 May 2025
Calbayog City
Local

Iba’t ibang development plans, ikinakasa na sa Calbayog City

NAGPATAWAG ng pulong si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy para talakayin ang iba’t ibang development plans para sa lungsod.

Kabilang sa agenda ang Tomalon Estate Development Plan, partikular ang site development Phase I at II, kasama ang proposals ng mga lote sa DFA Office at PSA Office.

Pinag-usapan din sa pulong ang Calbayog City Development Plan, kung saan kasama sa plano ang pagbili ng mga lote para sa iba’t ibang proyekto, gaya ng Agri City, Landfill, Pilar Health Center, at Public Cemeteries sa Calbayog, Malajog, at Oquendo.

Ang mga naturang plano ay sumasalamin sa katapatan ng lungsod sa pag-abot ng Sustainable Urban Development, mapagbuti pa ang pagse-serbisyo-publiko, at mapaganda ang kalidad ng pamumuhay ng mga residente.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *