27 April 2025
Calbayog City
Local

Homonhon Island circumferential road, pinondohan ng 100 milyong piso

homonhon island circumferential road

Pinaglaanan ang makasaysayang isla ng Homonhon sa Guiuan, Eastern Samar ng isandaang milyong piso ngayong taon para maisakatuparan ang matagal nang planong circumferential road.

Ayon kay 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan, saklaw ng pondo ang opening at upgrading ng 21-kilometer road sa mga Barangay Casuguran, Bitaugan at Habag.

Umaasa si Libanan na mapopondohan din sa mga susunod na taon ang natitirang apatnapung kilometro upang tuluyang makumpleto ang proyekto.

Ang road project ay mag-uugnay din sa mga barangay Inapulangan at Habag na kasalukuyang nararating lamang sa pamamagitan ng bangka.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *