27 April 2025
Calbayog City
National

Heat breaks at iba pang safety protocols, ipinanawagang gawing mandatory

HINIMOK ng isang workplace safety group ang Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing mandatory ang heat breaks at iba pang protocols sa gitna ng napakainit na panahon.

Ginawa ng Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD) ang apela, kasabay ng international Workers’ Memorial Day, noong linggo.

Sinabi ng grupo na batay sa kanilang nakalap na reports ay tumaas ang mga kaso ng pananakit ng ulo, pagkahilo, at high blood pressure sa mga manggagawa dulot ng matinding init.

Bukod sa heat breaks, inihirit din ng grupo sa DOLE na obligahin ang mga employer na bigyan ng medical check-ups, tamang bentilasyon, adjusted work hours, libreng access sa tubig, at iba pa, ang kanilang mga empleyado.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *