Pinuri ni Heart Evangelista si Liza Soberano sa ipinakita nitong katatagan ng loob upang makamit ang pangarap na gumawa ng sariling pangalan sa Hollywood.
Sa harap ito ng acting global debut ni Liza sa pelikulang “Lisa Frankenstein.”
Sa instagram, ibinahagi ni Liza ang ilang mga litrato niya nang dumalo sa international premier night ng Hollywood film kasama ang cast members.
Sa comments section, nagpahayag ng pagsuporta si Heart kay Liza, kasabay ng papuri sa lakas ng loob ng aktres na sumugal sa Hollywood.