27 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Heart Evangelista, nagluluksa matapos mawala ang ika-4 na sana nilang anak ni Sen. Chiz Escudero

heart evangelista

IBINAHAGI ng actress-model na si Heart Evangelista ang malungkot na balita sa mismong Mother’s Day,  tungkol sa pagkawala ng ika-apat na sana nilang anak ni Sen. Chiz Escudero.

Sa kanyang Instagram, sinabi ni Heart na ilang araw pa lamang ang nakalilipas nang tumigil ang tibok ng puso ng kanilang baby boy na kanilang 4th angel.

Aniya, bagaman isa ito sa kanyang biggest heartbreaks, nagpasalamat pa rin ang actress–model, sa pagsisikap ng kanilang anak na makasama siya at sa ipinaramdam nitong pagmamahal sa kanya.

Pinangalanan ni Heart ang kanilang anak ni Chiz na “Francis.”

Noong nakaraang Pebrero ay isiniwalat ng aktres na nag-e-expect sila ng baby girl na pinangalanan nilang Sophia Heart.

Nakunan din si Heart habang ipinagbubuntis ang kanyang kambal na anak noong 2018.

Sa kanyang Instagram post ay nagpaabot din ng pagbati si Heart sa mga ina sa kanilang espesyal na araw kahapon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *