HINILING ni Health Secretary Ted Herbosa kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suspindihin ang implementasyon ng premium rate increase ng Philhealth ngayong 2024.
Sa media forum, sinabi ni Herbosa na nagpadala siya ng recommendation letter sa Pangulo, para ipabatid na hindi naman makaaapekto ng malaki sa financial standing ng state insurer kung iaantala muna ang pagtataas sa kontribusyon ng mga miyembro.
Sakali naman aniya na pumayag ang Pangulo na ituloy ang nakakasang premium hike, simulan ito kung saan natigil at huwag namang 5 percent agad.
Naniniwala ang kalihim na may sapat na pera ang PhilHealth para ipagpatuloy ang pagbibigay ng mga benepisyo.
Idinahilan ni Herbosa sa kanyang posisyon na suspindihin muna ang premium hike at ang tumataas na presyo ng mga bilihin.