18 May 2025
Calbayog City
National

Health Department, nagbabala laban sa paglaganap ng mga sakit ngayong tag-init

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) laban sa paglaganap ng mga sakit ngayong tag-init. 

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, isa sa malaking problema tuwing mainit ang panahon ang diarrhea, dahil mabilis mapanis ang mga pagkain.

Posible rin aniya sa binabantayan kapag tag-init ang gastrointestinal illness mula sa mga kontaminadong tubig, kung matagal na hindi nagagamit ang water sources.

Pina-alalahanan din ni Herbosa ang publiko, lalo na ang mga mahilig mag-work out na uminom ng sapat na dami ng tubig, upang maiwasan ang dehydration at heat exhaustion na posibleng humantong sa heatstroke.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *