17 March 2025
Calbayog City
National

Halos P15 million na halaga ng iligal na droga, nadiskubre sa unclaimed parcels sa Pasay City

AABOT sa mahigit P14.8 million na halaga ng iligal na droga ang natuklasan ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa mga unclaimed parcels sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Ang isang parcel na dumating sa bansa noong January 19, 2024 galing ng Wilmington, California at idineklarang naglalaman ng “hardware”.

Nang isailalim sa inspeksyon ng mga otoridad, natuklasan na naglalaman ito ng 2,452 grams ng cocaine na tinatayang aabot sa P12,995,600 ang halaga.

Anim pang parcels sa CMEC ang natuklasang naglalaman ng 1,307 grams ng marijuana na aabot sa P1,829,800 ang halaga.

Ayon sa BOC, sasampahan ng kaso ang mga consignee ng nasabing mga kargamento.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *