22 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Halos magkaparehong post sa IG nina Bea Alonzo at Dominic Roque, hindi nakaligtas sa mga netizen

bea alonzo

KINILIG ang fans nina Bea Alonzo at Dominique Roque makaraang mag-share ang dalawa ng halos magkaparehong post sa kani-kanilang social media accounts.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Bea ng mga litrato, kabilang ang isang batang lalaki na kasama ang kanyang alagang aso; birthday celebration ni Johnny Manahan; kasama ang kanyang co-star magic stars; at habang naglalaro ng tennis.

Nilagyan din niya ito ng caption na “Thank You, March.”

Samantala, nag-post din si Dominic ng mga litrato sa kanyang IG, kabilang ang paglalaro niya ng tennis at nilagyan niya ng caption na “Marso.”

Napansin ito ng mapanuring netizens na nag-comment tungkol sa halos magkaparehong post ng dating magkasintahan.

Matatandaang noong Pebrero ay kinumpirma nina Bea at Dominic na nagkasundo sila na tapusin na ang kanilang engagement.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *