Nananatiling sarado ang pitumpu’t siyam na warehouses na pinangangasiwaan ng National Food Authority (NFA).
Ito, ayon sa Department of Agriculture (DA), ay sa harap ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Ombudsman hinggil sa umano’y maanomalyang pagbebenta ng mga bigas sa piling traders.
Sa naturang bilang, dalawampung warehouses ang nakatakdang buksan matapos bawiin ng Ombudsman ang suspensyon ng mahigit dalawampung NFA personnel.
Ang mga warehouses ay matatagpuan sa Cagayan Valley, Western Visayas, at National Capital Region (NCR).
Una nang inihayag ni Ombudsman Samuel Martires na binawi nila ang suspensyon sa 23 mula sa 139 NFA personnel makaraang madiskubre ng kanilang mga imbestigador ang mga maling datos sa listahan na isinumite sa kanila ng DA na galing umano sa NFA.