22 April 2025
Calbayog City
National

Halos 20 sasakyan, nilamon ng apoy sa parking area extension ng NAIA

LABING siyam na sasakyan ang nilamon ng apoy sa parking area extension ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City, kahapon.

Inihayag ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines, na mabilis na kumalat ang apoy bunsod hangin at tuyong damo. 

Sinabi naman ng MIAA Rescue and Firefighting Division na naapula ang sunog dakong alas dos ng hapon.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naturang insidente, ayon kay Ines. 

Patuloy din ang imbestigasyon ng MIAA sa sanhi at halaga ng pinsala ng sunog.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *