LABINSIYAM ang patay habang anim na iba pa ang nasugatan nang maaksidente ang isang pampasaherong bus sa highway, sa Zacatecas State, sa Mexico.
Sa inisyal na pagsisiyasat, sumalpok ang bus sa likurang bahagi ng kumalas na traktora na may kargang mais.
ALSO READ:
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
Patungo ang bus sa Ciudad Jaurez, isang lungsod sa US-Mexico Border sa Chihuahua State nang mangyari ang aksidente.
Nagsanib pwersa ang rescue teams at security forces, kabilang ang military personnel, sa pagrekober sa mga bangkay na nahulog sa bangin.
