13 February 2025
Calbayog City
Business

Halaga ng Piso kontra Dolyar, humina sa P57, pinakamababa sa nakalipas na isa’t kalahating taon

HUMINA ang halaga ng piso kontra dolyar sa 57 Pesos is to one Dollar, sa pagsasara ng palitan, kahapon, na pinakamababang halaga ng Piso kontra Dolyar sa nakalipas na isa’t kalahating taon.

Sa palitan kahapon, natapyasan ng 19.2 Centavos ang lakas ng piso laban sa dolyar, mula sa 56.808 Pesos is to one Dollar noong Lunes.

Ito na ang pinakamahinang halaga ng piso kontra dolyar simula noong Nov. 22, 2022 kung kailan naitala ang 57.375 Pesos is to one Dollar.

Iniuugnay ang paglakas ng dolyar mula nang umigting pa ang tensyon sa Middle East, kasunod ng pagpapakawala ng Iran ng mahigit tatlundaang drones at missiles sa Israel noong Sabado.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *