Tumaas ang halaga ng metal production ng 4.8 percent noong 2023, batay sa datos mula sa Mines and Geosciences Bureau (MGB).
Sa report ng MGB, umakyat sa 249.05 billion pesos ang metal production value noong nakaraang taon mula sa 237.66 billion pesos noong 2022.
Halos kalahati ng total production value o 106.64 billion pesos ay gold, na mas mataas ng 17 percent kumpara sa 91.05 billion pesos noong 2022.
Sumunod ang nickel ore na nasa 66.84 billion pesos na mas mataas ng 7 percent mula sa sinundan nitong taon.