18 March 2025
Calbayog City
National

Gunman ni Percy Lapid, sinentensyahang makulong ng 8 hanggang 16 taon

gunman ni percy lapid

Sinentensyahan ng Las Piñas City Regional Trial Court Branch 254 ang self-confessed gunman na si Joel Escorial ng walo hanggang labing anim na taong pagkabilanggo ng kaugnay ng pagpatay sa journalist na si Percy Lapid noong 2022.

Pahayag ito ng journalist din ni kapatid ni ka Percy na si Roy Mabasa, sa pamamagitan ng X (dating twitter).

Una nang inihayag ni Mabasa na nais ni Escorial na pumasok sa plea bargain agreement sa prosekusyon upang bumaba ang kanyang sentensya.

Idinagdag ni Mabasa na mananatili si Escorial sa PNP custodial center hanggang sa matapos ang pagdinig sa kaso ng isa pang kasabwat na si Christopher Bacoto.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *