7 February 2025
Calbayog City
Local

Guiuan LGU, binigyang diin na wala silang ginamit na discretionary fund

ITINANGGI ng Lokal na Pamahalaan ng Guiuan, Eastern Samar ang paggamit ng discretionary fund sa kanilang Extraordinary and Miscellaneous Expenses (EME).

Ginawa ng tanggapan ni Mayor Annaliza Gonzales-Kwan ang pagtanggi, kasunod ng reports na pinuna ng Commission on Audit (COA) ang umano’y overspending ng Guiuan sa EME. 

Ayon sa Annual Audit Report ng COA, ginamit ng Guiuan ang 6.56 million pesos gayung ang limit lamang ay 36,465 pesos.

Ang EME ay dating kilala sa tawag na discretionary funds.

Ipinaliwanag naman ng LGU, na ang halaga na inilaan at ginastos sa ilalim ng 2023 budget ay hindi bilang discretionary fund.

Nakasaad sa statement na, sa katunayan, kailanman ay hindi naglaan ng anumang discretionary fund sa budget ang administrasyon ni Mayor Kwan. 

Binigyang diin din ng LGU na ang kanilang budget ay inaprubahan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.                               

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *