15 March 2025
Calbayog City
National

Grupo ng mga guro, humihirit ng dagdag na pondo sa DepEd para sa indoor graduation at moving-up ceremonies

HINILING ng Alliance of Concerned Teachers sa Department of Education na magbigay ng karagdagang pondo makaraang abisuhan ang mga paaralan na idaos ang kanilang end-of-school-year ceremonies sa indoors upang maiwasan ang matinding init.

Sinabi ni ACT Chairperson Vladimer Quetua na kailangan ng additional funds, bukod sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng mga eskwelahan, upang ma-secure ang tamang venues para sa graduation at moving up ceremonies.

Una nang inatasan ng DepEd ang mga paaralan na pondohan ang mga seremonya sa pamamagitan ng kanilang MOOE, kasabay ng paalala sa lahat ng DepEd personnel na bawal mangolekta ng kontribusyon para sa graduation o moving up.

Iginiit ni Quetua na ang MOOE ng mga eskwelahan ay sapat lamang para sa basic operational expenses, at hindi na dapat pang ipaako rito ang mga karagdagang pangangailangan na may kinalaman sa epekto ng panahon at iba pang emergencies.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *