NAGSAGAWA ng groundbreaking ceremony para sa bagong Samar Police Provincial Office (SPPO) Building sa Barangay Pupua, Catbalogan City.
Ang 29.1 million pesos na halaga ng gusali ay itatayo sa dalawang ektaryang lote na donasyon ng provincial government sa pamamagitan ni Governor Sharee Ann Tan.
Kukunin ang pondo sa pagpapagawa ng building mula sa General Appropriations Act, kasama ang Department of Public Works and Highways 2nd District Engineering Office bilang implementing agency, at ang JFR Construction bilang contractor.
Sa kanyang mensahe, inihayag ni Governor Tan ang kanyang katapatan na matuldukan ang insurhensiya sa Samar, kasabay ng pagtiyak ng kanyang buong suporta sa pulisya at militar upang makamit ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.