22 April 2025
Calbayog City
Metro

Grassfire sumiklab sa Pasay

SUMIKLAB ang grassfire sa bakanteng lote sa bahagi ng Macapagal Boulevard sa Pasay City, malapit sa senado.

Ayon kay Romeo Gapido, Officer-In-Charge ng Bs Tiger Fire Volunteer, malaki na ang apoy nang dumating sila sa lugar.

Aniya, nasa 20 to 30 meter-diameter ng damuhan ang nilamon na ng apoy nang kanilang abutan.

Delikado aniya na kumalat pa ang apoy dahil nasa likod lamang ng naturang damuhan ang mga kabahayan.

Tumagal ng dalawampung minuto bago tuluyang nakontrol ng mga bumbero ang grassfire.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *