PINASINAYAAN ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang Grand Hindu Temple sa Ayodhya City.
Sinabi ni Modi na ang Ram Mandhir ay simbolo ng bagong era ng India, kapalit ng 16th-century mosque na pinabagsak ng Hindu Mobs noong 1992, na naging mitsa ng kaguluhan at ikinasawi ng halos dalawanlibo katao.
Kabilang sa mga panauhin sa event sa Ayodhya ay mga sikat na artista at cricket players.
Gayunman, mayroong ilang binoykot ang event sa paniniwalang ginagamit lamang ito ni Modi sa politika, dahil malapit na ang general elections sa India.