PINAG-aaralan ng pamahalaan ang ilang mga bagong hakbang upang mapigilan ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children.
Sa media briefing kaugnay ng Safe Internet Day 2024, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson, Assistant Secretary Mico Clavano, na kabilang sa mga hakbang na kanilang ikinu-konsidera ay pakikipag-ugnayan sa money services businesses.
Ito, aniya, ay upang maharang ang perang ginagamit sa transfer subscription at pagbili ng online footage at larawan ng mga inabusong bata.
Sa panig naman ni DSWD Undersecretary Emmeline Villar, inihayag nito na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa social media platforms, para baguhin ang kanilang systems sa pamamagitan ng artificial platforms upang masugpo ang access sa potentially harmful sites at contents.