28 April 2025
Calbayog City
National

Gobyerno, hinimok magpatupad ng price freeze habang umiiral ang El Niño

Nananawagan si senador Francis Tolentino sa gobyerno na magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa gitna ng epekto ng El Niño sa bansa.

Kabilang sa pinasasaklaw ng senador sa price freeze ang bigas upang makaagapay ang publiko sa inaasahang pagtataas ng presyo ng produkto bunsod ng kakulangan ng suplay dahil sa epekto ng tag-init.

Sa rekomendasyon ni Tolentino, iiral ang price freeze habang nararanasan ng bansa ang El Niño season.

Kasabay nito, nagpahayag ng suporta ang mambabatas sa direktiba ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. na review-hin ang umiiral na  minimum wage sa bawat rehiyon sa bansa.

Sinabi ni Tolentino na mahalagang matulungan ang mga manggagawa na makaagapay sa inflation subalit ikukunsidera pa rin ang kakayahan ng mga negosyante at employers.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *