27 March 2025
Calbayog City
Entertainment

Gloc-9, ginawa ang kantang “Sirena” para sa kanyang gay na anak

Isiniwalat ng Singer-rapper na si Gloc-9 na ang kanyang hit song na “Sirena” ay ginawa niya para sa kanyang anak na miyembro ng LGBTQ Community.

Ang naturang hit song ay bahagi ng 2012 album ni Gloc-9 na “mga kwento ng makata” mula sa Universal Records.

Inamin ng singer-rapper na takot na takot siya nang i-release nila ang “Sirena” dahil ayaw niyang makainsulto ng tao.

Idinagdag ni Gloc-9 na nang isinulat niya ang kanta ay hindi pa umaamin na gay ang kanyang anak, at hindi niya alam kung paano  sasabihin kung gaano niya ito kamahal.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *