Bigo ang Gilas Pilipinas Women na mapanindigan ang kanilang magandang simula makaraang matalo sa chinese taipei sa quarterfinals, sa score na 19-9, ng 2024 FIBA 3×3 Asia Cup, sa Singapore Sports Hub, kahapon.
Nagtapos ang kampanya ng Pilipinas na galing sa malinis na qualifying at main draw rounds, habang ang Chinese Taipei ay makakasagupa ang New Zealand.
Sinimulan ng Gilas women ang kanilang kampanya sa 3-0 win-loss card sa qualifying draw, kung saan pinadapa nito ang mga koponan ng Tahiti, Maldives, at Kazakhstan, para makapasok sa main draw.
Naitawid din ng koponan ang games laban sa Mongolia at Malaysia para makapasok sa knockout round.