DINUROG ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei sa score na 106-53, kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.
Dahil dito, na-sweep ng pambansang koponan ang First Window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.
Ang panalo ng Gilas ay kasunod ng pagpapadapa sa hong kong sa score na 94-64 noong huwebes ng gabi.
Magpapatuloy ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa Nobyembre, kung saan makakasagupa nila ang New Zealand at Hong Kong para sa second window ng Asia Cup Qualifiers.