NAKALIKHA ang game developers sa bansa ng 2.42 million dollars na export sales mula sa kauna-unahang Game Development Summit (GDS) na inorganisa ng Department of Trade and Industry.
Sa statement, sinabi ng DTI na saklaw ng initial export sales ang actual at potential sales, sa dalawang araw na summit na ginanap sa isla ng Boracay.
Ang GDS ang first international summit para sa game industry sa Pilipinas kung saan itinampok ang dalawang tracks, na kinabibilangan ng External Development at Indie Games.