Nagtipon-tipon ang Filipino muslims sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang ipagdiwang ang Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan, kahapon.
Ayon sa Bangsamoro government, nagsama-sama ang mga muslim sa iba’t ibang panig ng rehiyon para sa congregational prayer sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Pinangunahan ng Bangsamoro Mufti ang kongregasyon na sabay-sabay nagdasal sa loob ng Bangsamoro government center sa Cotabato City.
Binantayan din ang pagdiriwang sa Bongao, Tawi-tawi; Casiguran, Aurora; Laoag, Ilocos Norte; at Tagbilaran, Bohol.
Samantala, sa Quirino Grandstand sa Maynila, bago nagsimula ang pagdarasal at papuri kay Allah, nagsagawa muna ang mga dumalo ng “Wudu” na isang cleansing ritual kung saan huhugasan ng mga muslim ang kanilang mga kamay, bibig, ilong, braso, mukha, tenga, buhok, at paa.
Naghanda rin sila ng mga pagkaing pagsasaluhan para sa pista pagkatapos nilang magdasal.