IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Filipino hospitality sa kanyang latest vlog, kung saan ibinahagi nito kung paano pinaghahandaan ng Office of the President at pina-practice ang pag-welcome sa foreign leaders at guests.
Itinampok din sa vlog ang bagong renovate na guest lodging.
Sinabi ng pangulo na naglaan sila ng sobra-sobrang effort para maramdaman ng mga panauhin ang pagiging espesyal sa pamamagitan ng personalized choices of music, food, at performances.
Aniya, mayroon ding ibinibigay na mga regalo sa mga bisita, gaya ng local crafts mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ibinida ni Pangulong Marcos na lahat ng ito ay pinagtulungan ng teams ng Office of the President, Social Secretary, at kanyang maybahay na si First Lady Liza Araneta-Marcos.