NAITALA ng team Filipinas ang unang goal nito ngayong taon sa pamamagitan ni Angela Beard subalit kinapos pa rin sa laban nito sa South Korea, sa score na 2-1, sa Incheon Sports Complex.
Nakatikim man ng panibagong pagkabigo ang Philippine Women’s National Football team sa 20th-ranked Taegeuk Ladies, masaya pa rin si Head Coach Mark Torcaso sa performance ng Filipinas sa ikalawa nilang friendly match.
Naipasok ni Beard ang bola sa 74th minute ng laban, na kanya ring maiden goal para sa Pilipinas.
Wala pang naipapanalong laro ang team Filipinas ngayong 2024 subalit kontento si Torcaso sa progress ng kanyang koponan, lalo’t ang kalaban nila ay higher-ranked squads.