UMULAN ng celebrities sa birthday party ni Vice Ganda na ginanap sa Nueva Ecija.
Isang Ethereal-themed birthday celebration ang idinaos sa 48th birthday ni Vice sa Highland Bali Villas Resort and Spa, sa bayan ng Pantabangan.
Kabilang sa mga dumalo ang mga host ng “It’s Showtime” na sina Anne Curtis, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Kim Chiu, Amy Perez, Ogie Alcasid, Karylle, Darren Espanto, Teddy Corpuz, at MC at Lassy.
Present din ang Diamond Star na si Maricel Soriano, gayundin sina Vicky Belo at Hayden Kho, Angeline Quinto, Bela Padilla, Awra Briguela, Kaladkaren, at KZ Tandingan na nag-perform sa naturang pagtitipon.
Sinabi ni Vice na ang event ay hindi lamang birthday celebration kundi thanks-giving party, na bagaman hindi madali ang buhay ay marami pa rin siyang natatanggap na blessings.