Sugatan ang isang enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang mabangga ng kotseng sinita nito dahil sa pagpasok sa EDSA Busway sa Quezon City.
Lulan ng kanyang motorsiklo ang Trafffic Auxilliary na si Jefferson Villaruel nang mamataan nito ang pagpasok ng puting Honda sa City sa Southbound Lane ng busway sa Cubao na ipinagbabawal sa mga pribadong sasakyan.
Sinabi ni Villaruel na sinundan niya ang kotse at inatasan ang driver na lumabas ng busway na sa una ay sinunod naman siya pero kalaunan ay pumasok ulit, dahilan para unahan nito ang kotse at harangin pero sinalpok ito malapit sa Main Avenue ng EDSA Carousel.
Tumilapon ang enforcer mula sa kanyang motorsiklo habang inararo ng kotse ang ilang traffic barrier at tumama sa concrete center island.
Lulan ng kotse ang driver na si Mark Anthony Bagtas na aminadong nakainom at dalawang babaeng pasahero.