Inaasahan na magiging fastest-growing economy sa Southeast Asia ang Pilipinas ngayong taon, ayon sa Fitch Ratings.
Sa datos mula sa Asia-Pacific Sovereigns Credit Outlook ng Fitch Ratings sa buwan ng Pebrero, nakasaad na ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas ay tinayang lalago ng 6.4% ngayong 2024.
Sunod sa Pilipinas ang Vietnam na inaasahang lalago ng 6.3%; Indonesia, 5%; Malaysia, 4.2%: Thailand, 3.8%; at Singapore. 2.3%.
Sinabi ni Krisjanis Krustins, Primary Sovereign Analyst ng Fitch Ratings sa Pilipinas, na posibleng manatili sa mahigit 6% ang GDP growth sa bansa hanggang sa mga susunod na taon.